Pahayag ng DHS sa Kaligtasan at Pagpapatupad sa Panahon ng Malalang Panahon at Pagsisikap sa Pagbawi sa Alabama, California, at sa Georgia
Ang Department of Homeland Security (DHS) ay nakikipagtulungan kasama ang mga pederal, estado, lokal, at hindi taga-gobyerno na mga kasosyo nito upang suportahan ang mga pangangailangan ng mga lugar na maaaring maapektuhan ng malubhang bagyo, tuwid na daloy ng malakas na hangin, at buhawi sa Alabama at sa Georgia pati na rin ang malubhang bagyo, pagbaha, pagguho ng lupa, at mudslide (pagbaha ng putik) sa California.