U.S. flag

An official website of the United States government

Government Website

Official websites use .gov
A .gov website belongs to an official government organization in the United States.

Safely connect using HTTPS

Secure .gov websites use HTTPS
A lock () or https:// means you’ve safely connected to the .gov website. Share sensitive information only on official, secure websites.

Breadcrumb

  1. Home
  2. News
  3. National Terrorism Advisory System
  4. Sistema ng Pagpapayo sa Pambansang Terorismo Balita Nobyembre 30, 2022

Sistema ng Pagpapayo sa Pambansang Terorismo Balita Nobyembre 30, 2022

A blue banner displaying the U.S. Department of Homeland Security seal with the text National Terrorism Advisory System - Bulletin - www.dhs.gov/advisories
A blue banner displaying the U.S. Department of Homeland Security seal with the text National Terrorism Advisory System - Bulletin - www.dhs.gov/advisories

National Terrorism Advisory System Bulletin

Petsa Na Naipalabas: Nobyembre 30, 2022 ng 2:00 NH ET
Tingnan bilang PDF:  Sistema ng Pagpapayo sa Pambansang Terorismo Balita Nobyembre 30, 2022 (pdf, 4 mga pahina, 630.67 KB)

Kabuuan ng Banta ng Terorismo sa Estados Unidos

Nananatili ang Estados Unidos sa sitwasyon ng matinding pagbabanta. Patuloy na nagbibigay ng marahas na pagbabanta sa Inang-Bayan ang mga indibidwal na tulisan at maliliit na grupo na hinikayat ng sari-saring paniniwala at/o personal na hinaing. May mga lokal na nilalang at banyagang terorismong organisasyon na patuloy na nagpapanatili ng paglitaw sa online upang makaudyok sa kanilang mga tagasuporta na magsagawa ng pag-atake sa Inang-Bayan. May mga threat actors (nagbabantang nilalang) na kamakailan ay nagsimula ng kaharasan, na sila ay nagtukoy ng dahilan tulad ng reaksyon sa mga kasalukuyang pangyayari at kanilang paninindigan sa marahas na radikal na ideolohiya. Sa mga darating na buwan, maaaring pagsamantalahan ng mga nagbabantang nilalang ang mga ilang paparating na okasyon upang mangatwiran o magsagawa ng mga pagkilos ng kaharasan, kabilang ang mga kaganapang sertipikasyon na may kaugnayan sa mga halalan sa kalagitnaan ng termino, panahon ng kapistahan at mga nauugnay na malalaking pagtitipon, ang paggunita ng dalawang taon mula noong panghihimasok sa U.S. Capitol noong Enero 6, 2021, at potensyal na sosyopolitikal (panlipunan at pampulitika) na kalalabasan na may kaugnayan sa ideolohikal na paniniwala o personal na pagkagalit. Kabilang sa mga pinupuntirya para sa potensyal na kaharasan ang mga pampublikong pagtitipon, institusyon ng pananampalataya, komunidad ng LGBTQI+, paaralan, panlahi at relihiyosong minorya, pasilidad at tauhan ng gobyerno, mahalagang imprastraktura ng Estados Unidos, ang media, at mga kinikinalang ideolohikal na kalaban.

Itatagal

Naipalabas:   Nobyembre 30, 2022 ng 2:00 NH ET
Magtatapos:   Mayo 24, 2023 ng 2:00 NH ET

Karagdagang Impormasyon

  • Ang mga ilang kamakailan na pag-atake, pagbabalak, at pagbabanta ng kaharasan ay nagpapatunay ng patuloy na iba-iba at kumplikadong katangian ng sitwasyon ng banta sa Estados Unidos.
  • Ilang lokal na marahas na militante na nagsagawa ng mga salakay ay nagbanggit ng mga naunang pagsalakay at tulisan bilang inspirasyon. Pagkatapos ng nakaraang pamamaril noong Nobyembre sa isang LGBTQI+ bar sa Colorado Springs, Colorado—na hanggang ngayon ay nasa ilalim ng pagsisiyasat— napuna namin ang mga nilalang sa mga forum na kilalang nagbubunyag ng marahas na panatikong paksa na udyok ng lahi o etniko at pinupuri ang hinihinalang tulisan. Pareho rin, may ilang lokal na marahas na panatiko sa Estados Unidos na pumuri sa pamamaril noong Oktubre 2022 sa isang LGBTQI+ bar sa Slovakia at naghikayat ng karagdagang karahasan. Ang tulisan sa Slovakia ay nagbigay ng pahayag sa online na sumusuporta sa paniniwala ng mga white supremacist (mga puting nilalang na naniniwala na ang mga puting tao ay angat sa iba) at ang kanyang paghanga sa mga naunang tulisan, kabilang ang ilan na nasa loob ng Estados Unidos.
  • Binigyang-diin ng mga kamakailang insidente ang nagpapatuloy na banta sa mga komunidad ng pananampalataya, kabilang ang komunidad ng Hudyo. Noong mga simula ng Nobyembre 2022, may inarestong indibidwal sa New Jersey dahil sa pagbahagi ng pahayag sa online na nagbanta ng pag-atake sa mga synagogues (sinagoga). Inamin ng indibidwal ang pagsulat ng dokumento, kung saan idineklera niya na siya ay inudyok ng Islamic State of Iraq and ash-Sham (ISIS) at ang galit nito sa mga Hudyo.
  • Habang nakahiwalay ang karahasan sa halalan sa kalagitnaan ng termino noong Nobyembre, nananatili kaming alisto na ang malalang pampulitikang tensyon sa bansa ay maaaring maging dahilan sa mga indibidwal na magdulot ng karahasan dahil sa personal na reklamo. Mula noong nakaraang ilang buwan nakapuna kami ng laganap na paghingi ng karahasan at pinupuntirya ang mga inihalal na opisyal, kandidato, at lokasyon ng mga hulugan ng balota.
    • Noong Oktubre 2022 sa San Francisco, California, may isang indibidwal na diumano ay pumasok sa tahanan ng isang Miyembro ng Kongreso at inatake ang kanyang asawa gamit ang isang martilyo. Ang indibidwal na inaresto dahil sa krimeng ito ay hinihinalang inudyok ng partisan (may kinikilingan) na reklamo at conspiracy theories (teorya ng pagsasabatwan).
    • Maraming hinalal na opisyal, kandidato, at pampulitikang organisyon ay nakatanggap ng mga sulat ng pagbabanta na gamit ang kahina-hinalang pulbos na habang napag-alaman na hindi naman mapanganib o nakakalason, ay maaari namang gamitin para sa pampulitikang proseso. Natapos na ang pagboto para sa halalan sa kalagitnaan ng termino, ngunit ang mga kaganapang sertipikasyon para sa ilang halalan ay magpapatuloy sa Disyembre 2022, at ilang gumagamit ng social media and some social media users have naghangad na bigyang katarungan ang paggamit ng kaharasan bilang pagtugon sa pagpuna na ang midterm na halalan ay may daya at tinutukoy ang mga technical difficulties (teknikal na problema) sa mga lugar ng botohan at ang pagkaabala sa kaganapan ng sertipikasyon.
  • Ang pagpuna ng kadayaan sa gobyerno ay nagpapatuloy na ihikayat ang mga indibidwal na sumubok na gumawa ng dahas laban sa mga opisyal ng gobyerno at opisyal ng pagpapatupad ng batas. Noong Agosto 2022, may isang indibidwal na nakasuot ng body armor at armado ng baril at nail gun (baril para sa pako) ay sumubok na pasukin nang sampilitan ang Field Office ng Federal Bureau of Investigation (FBI o Pampederal na Ahensiya ng Inbestigasyon) sa Cincinnati, Ohio. Noong rumesponde ang mga nakabarong opisyal, nakatakas ang indibidwal na nagdulot ng habulan at nagresultang pamamaril ng mga rumespondeng opisyal. Sa mga araw bago ng pag-atake, hinikayat ng indibidwal ang iba na kumuha ng mga sandata at patayin ang mga kawani ng pampederal na pagpapatupad ng batas, sinasabi niya na pakiramdam niya na siya ay lumalaban sa isang “civil war” (digmaang sibil)
  • Ang ilang lokal na panatiko ay nagpahiwatig ng reklamo base sa pagpuna na humihigit ang pamahalaan sa kanyang Konstitusyonal na kapangyarihan o nabibigo sa pagsasagawa ng kanyang tungkulin. Sa kasaysayan, ang mga isyu na may kaugnayan sa imigrasyon at abortion (pagpapalaglag ng bata) ay binanggit ng mga naunang tulisan bilang inspirasyon sa kanilang kaharasan. Ang potensyal na pagbabago sa patakaran ng pagpapatupad ng seguridad sa border, ang pagtaas ng bilang ng mga dayuhan na nagtatangkang makapasok sa Estados Unidos, o iba pang kalalabasan na nauugnay sa imigrasyon ay maaaring magtaas ng tawag sa kaharasan.

Paano Kami Tumutugon

Nakikipag-ugnayan ang DHS sa mga kasangga sa lahat ng antas ng pamahalaan, sa pribadong sektor, at sa lokal na komunidad upang mapanatiling ligtas ang mga Amerikano, kabilang ang sa pamamagitan ng sumusunod na halimbawa ng aming mapagkukunan at suporta:

Mapagkukunan upang Manatiling Ligtas

Manatiling May Kaalaman at Handa

Ibalita ang mga Potensyal na Banta

Was this page helpful?
This page was not helpful because the content