National Terrorism Advisory System Bulletin
Petsa Na Naipalabas: Mayo 24, 2023 ng 2:00 NH ET
Tingnan bilang PDF: Sistema ng Pagpapayo sa Pambansang Terorismo - Mayo 24, 2023 (pdf, 4 mga pahina, 328.04 KB)
Kabuuan ng Banta ng Terorismo sa Estados Unidos
Nananatili ang Estados Unidos sa sitwasyon ng matinding pagbabanta. Patuloy na nagbibigay ng marahas na pagbabanta sa Inang-Bayan ang mga indibidwal na tulisan at maliliit na grupo na hinikayat ng sari-saring paniniwala at/o personal na hinaing. May mga domestic violent extremists (sukdulan na lokal na nilalang o DVEs) at banyagang terorismong organisasyon na patuloy na nagpapanatili ng paglitaw sa online upang makaudyok sa kanilang mga tagasuporta na magsagawa ng pag-atake sa Inang-Bayan, kabilang doon ang paghikayat sa karahasan sa pamamagitan ng extemismong pagmemensahe at pagtawag sa online. Sa mga darating na buwan, may mga elemento na maaaring mag-udyok sa mga indibidwal na magsagawa ng karahasan, kabilang ang kanilang pananaw sa 2024 na serye ng pangkalahatang halalan at mga lehislatibo o hudikaturang desisyon na may kaugnayan sa mga isyung sosyopolitikal (panlipunan at pampulitika). Ang mga pinupuntirya para sa potensyal na karahasan ay kinabibilangan ng mga mahalagang imprastraktura ng Estados Unidos, institusyon ng pananampalataya, mga indibidwal o kaganapan na may kaugnayan sa komunidad ng LGBTQIA+, paaralan, panlahi at etnikong minorya, at pasilidad at tauhan ng gobyerno, kabilang ang mga nagpapatupad ng batas.
Itatagal
Naipalabas: Mayo 24, 2023 ng 2:00 NH ETMagtatapos: Nobyembre 24, 2023 ng 2:00 NH ET
Karagdagang Impormasyon
- Noong Mayo 2023, ang isang yumao nang indibidwal ay pumatay ng walo at naminsala ng pitong tao sa isang outlet mall sa Allen, Texas. Patuloy na iniimbestiga ng mga nagpapatupad ng batas ang motibo sa likod ng pagsalakay, ngunit ipinapahiwatig ng paunang ulat na ang taong umatake ay tumutok sa pamamaril sa masa at siya ay may pananaw na nakahanay sa mga ideolohiya ng marahas na extremista na may panlahi o pang-etnikong pag-udyok (racially or ethnically motivated violent extremist o RMVE) at hindi kinukusang selibat na marahas na extremista.
- Noong Marso 2023, ang isang yumao nang indibidwal ay namaril at pumatay ng ng anim na tao sa isang Kristyanong elementarya sa Nashville, Tennessee. Patuloy na iniimbestiga ng nagpapatupad ng batas ang motibo sa likod ng pagsalakay at ipinahiwatig na inaral nitong indibidwal ang iba pang mamamatay-tao.
- Noong Marso 2023 din, may isang RMVE na hinimok ng paniniwala sa kataasan ng lahi ng puti ay inaresto at inakusa ng diumanong pagtangkang gumamit ng isang improbisadong pampasabog upang sunugin ang isang simbahan sa Ohio na naghahanda ng isang kaganapang may temang pang drag queen o mga lalaking nagsusuot ng damit pambabae.
- Noong Pebrero 2023, may dalawang RMVE na hinimok ng paniniwala sa kataasan ng lahi ng puti ay inaresto at ngayon ay naghihintay ng paglilitis dahil sa kanilang pagtangkang sumalakay sa mga istasyon ng kuryente sa Maryland. Sumunod itong mga aresto sa mga kamakailan lang na serye ng pagsalakay sa mga pang-kuryenteng imprastraktura, na ipinuri at pinakinabangan ng ilang DVE upang maghikayat ng karagdagang pagsalakay sa mga mahalagang imprastraktura.
- Mula noong tagsibol ng 2022, may mga diumanong DVE sa Georgia na bumanggit ng anarkismong marahas na extremismo, karapatang panghayop/pangkalikasan na marahas na extremismo, at kontra-kapulisan na kuru-kuro para bigyan-katwiran ang kriminal aktibidad na sumasalungat sa isang nakaplanong pasilidad ng pagsasanay sa pampublikong kaligtasan sa Atlanta. Kinabibilangan sa kriminal aktibidad ang diumanong pamamaril at pagsasalakay sa nagpapatupad ng batas at pagwawasak ng ari-arian na pumupuntirya sa pasilidad, kumanya ng konstruksyon, at institusyong pinansyal dahil sa kanilang hinihinalang pakikilahok sa nakaplanong pasilidad.
- Samantala, patuloy na ginagamit ng mga banyagang terorista ang media para maghikayat ng mga pang-isang taong pagsalakay sa Kanluran, isumpa ang patakarang panlabas ng Estados Unidos, at subukang palawakin ang kanilang nasasakupan at ipalaki ang mga network ng pandaigdigang suporta. Kamakailan lamang, noong Enero 2023, may isang indibidwal na Taga-Maine na nahikayat ng sari-saring mensahe ng banyagang terorista ay inakusahan ng pederal na krimen dahil sa pagsalakay niya sa mga pulis ng lungsod ng New York City (NYPD) sa kaganapan ng Bisperas ng Bagong Taon sa Times Square.
Paano Kami Tumutugon
Nakikipag-ugnayan ang DHS sa mga kasangga sa lahat ng antas ng pamahalaan, sa pribadong sektor, at sa lokal na komunidad upang mapanatiling ligtas ang mga Amerikano, kabilang ang sa pamamagitan ng sumusunod na halimbawa ng aming mapagkukunan at suporta:
- Ang DHS at ang FBI ay patuloy na nagbabahagi ng napapanahon at naaaksyunan na impormasyon at katotohanan gamit ang pinakamalawak na madla na posible. Kabilang dito ang pagbabahagi ng impormasyon at katotohanan sa aming mga kasangga sa bawat antas ng pamahalaan at sa pribadong sektor. Nagsasagawa kami ng umuulit na pagtatagubilin tungkol sa banta sa pribadong sektor at pang-estado, panlokal, pangtribu, pangteritoryo, at mga kasangga na unibersidad, kabilang ang pagsasabi sa pagsisikap sa pagplano sa seguridad. Nananatili ang DHS na tapat ito sa pakikipag-ugnayan sa aming kasangga upang makilala at pigilan ang lahat ng uri ng terorismo at nakapuntiryang karahasan, at para suportahan ang pagsisikap sa pagpapatupad ng batas upang mapanatiliing ligtas ang ating mga komunidad.
- Ang DHS, sa pakikipagtulungan sa kanilang pederal na kasangga, ay naglungsad ng Prevention Resource Finder (PRF) website noong Marso 2023. Ang PRF ay isang komprehensibong pang-web na imbakan ng mga pederal na mapagkukunan na tutulong sa mga komunidad na makaintindi, makapagpagaan ng sitwasyon, at makaprotektas sa kanila laban sa terorismo at pumupuntiryang karahasan.
- Ang DHS Center for Faith-Based and Neighborhood Partnerships ay patuloy na nakikipag-ugnayan sa koalisyon ng mga organisasyon ng pananampalataya at komunidad, kabilang ang mga kasapi ng Faith-based Security Advisory Council (FBSAC o Konseho ng Pananampalatayang Tagapayo sa Seguridad) na binuo muli ng DHS noong Hulyo 2022, upang tumulong na makabuo ng kapasidad ng organisasyon ng pananampalataya at komunidad na humahangad na protektahin ang kanilang mga lugar ng komunidad at pagsamba.
- Ang DHS’s Office of Intelligence and Analysis (I&A), ang FBI, at ang National Counterterrorism Center noong 2021 ay magkasamang pinabago ang pang-uugaling panukat ng pag-uudyok sa panatiko patungo sa karahasan sa Estados Unidos. Karagdagan, ang Pambansang Programa sa Pagsukat at Pag-ulat ng Banta ng I&A ay nagpapatuloy na magbigay ng mga kasangkapan at mapagkukunan sa pampederal, pang-estado, panlokal, pantribu, at panteritoryong kasangga sa pagpigil ng terorismo at pinuntiryang karahasan, kabilang ang online na pagsasanay sa pagbigay ng balita tungkol sa kahina-hinalang aktibidad.
- Ang Transportation Security Administration (TSA) Intermodal Security Training and Exercise Program (I-STEP) and Exercise Information System (EXIS®) ng DHS ay nakikipagtulungan sa gobyerno at kasangga sa pribadong sektor – kabilang ang mga may-ari at tagapangasiwa ng mahalagang imprastraktura ng transportasyon – upang palakasin ang seguridad at mabawasan ang mga panganib na naidudulot ng mga gawa ng terorismo.
- Ang Cybersecurity and Infrastructure Security Agency (CISA) ng DHS ay nakikipagtulungan sa gobyerno at kasangga sa pribadong sektor – kabilang ang mga may-ari at tagapangasiwa ng mahalagang imprastraktura at lugar ng pagtitipon ng publiko – upang palakasin ang seguridad at mabawasan ang mga panganib na naidudulot ng mga gawa ng terorismo at pumupuntiryang karahasan sa pamamagatan nitong network ng Tagapayo ng Pananggalang Seguridad at mapagkukunan na tumutugon sa Aktibong Shooter, Kaligtasan sa Paaralan, Pagpigil sa Pagbobomba, at Mataong Lugar na Walang Proteksyon.
- Ang Center for Prevention Programs and Partnerships (CP3) ng DHS ay nagtuturo at nagsasanay ng mga stakeholder kung paano kilalanin ang mga panukat ng pagiging panatiko sa karahasan, kung saan hihingi ng tulong, at ang mga mapagkukunan na makakapigil sa pinuntiryang karahasan at terorismo. Sa taong 2022, ang CP3 ay nagbigay ng mahigit $20 milyon na grant sa pamamagitan nitong Targeted Violence and Terrorism Prevention (TVTP) na Programa ng Grant. Hanggang ngayon, lagpas 100 aplikante at higit pa sa $50M ng pondo ng grant ang hiningi para sa grant cycle ng piskal na taon ng 2023 (FY23).
- Sa mga taong 2021 at 2022, itinalaga ng DHS ang lokal na karasahan na dulot ng panatiko bilang “National Priority Area” (Pambansang Lugar ng Kaunahan) sa loob nitong Homeland Security Grant Program (HSGP), upang bigyan ng kapangyarihan ang aming mga kasangga na magamit ang mahalagang pondo na makakatulong na pigilan, paghandaan, magbigay proteksyon laban sa, at tumugon sa nauugnay na banta.
- Sa taong 2022, Ang Nonprofit Security Grant Program (NSGP) ng DHS ay nagbigay ng higit $250 milyon na pondo para suportahan ang pagpapatibay ng target at iba pang pampalakas sa pisikal na seguridad sa mga walang-tubong organisasyon na malaki ang panganib na salakayin ng terorista.
- Pinagsasama ng SchoolSafety.gov ang mga mapagkukunan mula sa pamahalaan na nauugnay sa kaligtasan sa paaralan. Sa buong website na ito, ang komunidad ng K-12 ay maaari ring makipag-ugnayan sa mga opisyal ng seguridad ng paaralan at gumawa ng plano sa kaligtasan ng paaralan.
Mapagkukunan upang Manatiling Ligtas
Manatiling May Kaalaman at Handa
- Mahing handa para sa mga pang-emerhensyang sitwasyon at manatiling may kaalaman tungkol sa mga pangyayari na maaaring mailagay ka sa pahamak. Gumawa ng tala tungkol sa iyong kapaligiran at ang pinakamalapit na tauhan ng seguridad.
- Manatiling ligtas sa online at panatiliin ang digital at media na karunungan upang makilala at mabuo ang katatagan laban sa peke o nanlolokong salaysay.
- Aralin ang mapagkukunan ng Department of Homeland Security (DHS o Kagawaran ng Seguridad ng Inang-Bayan) upang malaman kung paano mas mabuting protektahan ang mga negosyo, lugar ng pananampalataya, at paaralan, at siguraduhin ang kaligtasan sa pampublikong pagtitipon.
- Maghanda para sa potensyal na insidente ng aktibong shooter, gumawa ng improbisadong pangkontra sa aparatong bomba, at pabutihin ang kamalayan sa banta ng terorismo, kabilang ang mga banta ng bomba.
- Alamin pa tungkol sa mapagkukunan ng base sa komunidad kabilang ang Community Awareness Briefings (Pagtatagubilin sa Kamalayan sa Komunidad) upang mapigilan ang mga indibidwal mula sa pagiging panatiko hanggang sa karahasan.
- Ang Nationwide Suspicious Activity Reporting (SAR) Initiative (NSI) (Pambansang Plano sa Pag-uulat tungkol sa Kahina- hinalang Aktibidad) ay isang pinagsamang aktibidad ng DHS, FBI, at kasangga sa pagpapatupad ng batas upang makilala at maireport ang banta ng terorismo at iba pang nauugnay na kriminal na aktibidad.
- Ang Kapangyarihan ng Hello na Kampanya at Serye ng De-Escalation (Pagbaba ng Antas ng Panganib) ay makakatulong sa iyo na obserbahan at tasahan ang kahina-hinalang ugali, kabilang ang impormasyon na magpapahupa sa potensyal na panganib, at makakuha ng tulong kapag kinakailangan.
- Panoorin ang mga webinar sa Pagbuo ng Samahan, at Pagpigil sa Pinuntiryang Karahasan at Pagprotekta sa Kaligtasan at Seguridad ng mga Lugar ng Pananampalataya.
Ibalita ang Potensyal na Banta
- Makinig sa mga lokal na awtoridad at opisyal ng pampublikong kaligtasan.
- Kung may Makita Ka, Magsalita Ka® Ibalita ang Kahina-hinalang Aktibidad at banta ng karahasan, kabilang ang mga banta sa online, sa lokal na nagpapatupad ng batas, Sangay ng Opisina ng FBI, o ang iyong lokal na Sentro ng Fusion. Tumawag sa sakaling may emerhensya.
- Kung may kilala kang nahihirapan sa mga isyu tungkol sa kalusugan ng kaisipan o maaaring magbigay ng panganib sa kanila o sa ibang tao, humingi ka ng tulong.
Kung may Makita Ka, Magsalita Ka ® - Ibalita ang kahina-hinalang aktibidad sa lokal na nagpapatupad ng batas o tumawag sa 911.
Ang Pambansang Sistema ng Pagpapayo sa Terorismo ay nagbibigay ng impormasyon tungkol sa mga isyu at banta sa seguridad ng inang-bayan. Ito ay ibinabahagi ng Department of Homeland Security (Kagawaran ng Seguridad ng Inang-Bayan). May karagdagang impormasyon sa: DHS.gov/advisories. Upang makatanggap ng balita sa mobile: Twitter.com/dhsgov.
Kung may Makita Ka, Magsalita Ka® ginagamit ng may pahintulot ng NY Metropolitan Transportation Authority.